Saturday, November 26, 2011

Pantay Pantay Lamang . . .


                Ang bawat tao sa mundong kinalalagyan natin ngayon ay nakapaloob sa isang  dimensyon, na kung saan ang mahihina ay napapaglamangan, at ang malalakas ang mga naghahari. Nasaang panig ka ba kabilang, nasa mahina o sa malakas?

Huwag kang maging manhid

                Kung wala sila, wala na din tayo ngayon. Sila ang mga mamamahayag. Simple lang diba? Ngunit may malalim ng kahulugan. Paano nga naman natin malalaman ang hirap na dinadanas nila, kung tayo ay nakaupo lamang sa sofa at nanunuod ng mga balita. Paano natin malalaman ang puyat na kanilang nialalabanan kung tayo ay nakakatulog lamang sa kanilang mga binabalita. Gumising ka, ramdamin mo ang kanilang hirap, danasin mo ang kanilang mga sakripisyo, upang maaibigay sayo ang balitang tinutulugan mo lamang.

Pagsulat ng kamatayan

Ayon sa ulat noong 2006, mayroong 55 mga mamamahayag ang namatay sa buong mundo, at ang mga dahilan ay kaugnay ng kanilang mga trabaho. Ang tatlo sa kanila ay mula sa Pilipinas. Isipin mo, nakakatakot diba? Huwag na tayong magbulag-bulagan. Isinasakripisyon nila ang kanilang mga buhay, pra lamang ihatid ang tamang balita sa ating mga telebisyon. Sumusulat sila para sa katotohanan, hindi para sa kamatayan.  Maawa tayo sa sakit na kanilang dinadanas. Huwag natin ipagdamot ang katarungan, magsama sama tayo, magsulat at mabuhay!

Hardin ng pangarap

                Wala silang kasalanan upang mamatay! Bigyan natin sila ng karapatang gawin ang kanilang trabaho ng buong puso at walang alinlangan. Sila ang pinakamalaking isda sa dalampasigan, ang pinakamakinang na barya sa ating mga bulsa. Bakit hindi natin Makita ang kagandahan nila? Bakit palaging nauuna ang tukso at pangaapi? Kalian magbabago ang mundo, patungo sa harding puno ng matitinik na rosas, ngunit ang halimuyak nito ay siyang sa atin ay humahalina.
 

No comments:

Post a Comment