Sunday, November 27, 2011

Kaliwa o Kanan


Maraming pagbabago ang unti-unting sumasaklaw sa mudong kinabibilangan natin ngayon. Kaliwa’t kanan ang pagasenso, ang pagyabong n gating teknolohiya. Ngunit para sa isang musmos, handa na ba talaga siyang makipagsabayan sa ating mundo? O mananatili siya sa tradisyunal na patintero?

Tsinelas at lata

Noong nakalipas na panahon, kung saan hindi pa nagkakaroon ng tinatawag na teknolohiya, nariyan ang mga larong nagbubuo ng pagkakaibigan, nagpapatibay ng relasyon ng pamilya at nagbibigay aliw sa mga manlalaro. Mga aktibidad ng karaniwang ginagamitan ng pisikal at mental na lakas, at naghuhubog matikas na kabataan. Narito ang ilan sa mga iyon:

1.     Patintero
2.     Tumbang Preso
3.     Luksong-Baka
4.     Luksong-Tinik
5.     Piko
6.     Agawan Base
7.     Patay patayan
8.     Sekqu Base
9.     Agawang sulok
10.   Araw-Lilim

Ang mga larong iyon ang siyang sandigan ng ating mga lolo at lola sa kanilang paglaki. Ang nagmulat sa kanila upang salubungin ang magulong buhay na puno ng problema. At ngayong hindi na nila kayang laruin pa ang mga iyon, sino na kaya ang magtutuloy ng mga kasiyahan nina lolo, tayo?

Monitor at Keyoard

Ang Generation Z, ito ang tawag sa mga taong nabuhay mula noong 1990 hanggang ngayon. Dahil nga sa pagusbong ng iba’t-ibang teknolohiya sa ating mundo, ang dating simpleng buhay na ating tinatamasa ay mas pinadali at mas pinabilis. Ngunit mabuti nga ba ang teknolohiyang ito para sa ating mga kabataan?

Ayon sa mga pagsusuri, napagalaman na marami sa mga kabataan ngayon, lalo na ang teenagers ay nahuhumaling na sa kompyuter games. Siguro ay hindi lamang natin naiisip ang pakiramdam ng mga kabataang ito habang naglalaro, ngunit nakikita na natin ang epekto nito. Hindi ko sinasabi na masama ang paglalaro sa kompyuter, ang masama ay ang sobang paglalaro. Isipin natin mga kapatid, sa mundong ating ginagalawan, wala ka ng takas sa tukso, ang udyok ng moderno.
Bata! Magisip ka kung saan ka lulugar. May kalayaan ang bawat tao sa pagpili kung saan sila magiging masaya, ngunit siguraduhin mo lang na sa pipiliin mo, hindi ka lamang masaya kundi maligaya.

1 comment:

  1. Ibang-iba na talaga ngayon, pero kung ako ang pipiliin, feeling ko nasa mas mabuting kalagayan ang mga bata noon kaysa ngayon. Mas masayang laruin ang mga laro noon. Sarap uulit-ulitin. Sakit.info

    ReplyDelete