Saturday, November 26, 2011

Kaya mo yan!


Ang paaralang pamamahayag sa ating bansa ay dumaan sa isang ebolusyon na nagpalawig ng kamalayan at kalinangan ng mga mambabasa. Sa ating bansang sinilangan, mayroong nakatalang sampung libong batang mamamahayag na handang sumalubong sa umaalingasaw na korapsyon at panliligalig.

Para sa bayan, para sa'yo

Ang mga mamahayag ay hindi lamang ginagawa ang kanilang trabaho dahil sa sweldo, o dahil sa kasikatan. Ginagawa nila ito dahil mayroon silang responsibilidad na dapat gawin para sa bayan. Upang matupad ang kanilang mga tungkulin, dapat silang maging malaya at magawang pamahalaan ang sarili. Narito ang ilang mga alituntunin:

1.       Ang unang obligasyon ng pamamahayag ay ang katotohanan.
2.       Ang katapatan nito ay sa mamamayan.
3.       Ang pinakabuod nito ay ang disiplina ng pagpapatotoo.
4.       Ang mga mamahayag ay dapat mapanatili ang isang kalayaan mula sa mga inuulat nila.
5.       Dapat maging tagabantay sa mga makapangyarihan.
6.       Kailangan itong magsusumikap upang gumawa ng balitang makabuluhang, kawili-wili, at kaugnay-ugnay.
7.       Dapat panatilihing komprehensibong at proporsyonal ang balita sa. 
8.       Ang mga mamamahayag ay dapat itaguyod ang kanilang personal na konsiyensya.

Habang sinasaisip ng mga mamamahayag ang kanilang responsibilidad sa lipunan o sa paaralan, makakapagpakita sila ng isang buong pusong pamamahayag na may kredabilidad at katotohanan, habang pinapalawig nila ang pagkatuto sa kanilang mga sarili, at kalayaang magpadama ng kanilang mga nararamdaman.

Gamitin ang tinta

Pinakaunang minahal ng mga mamamahayag ay ang kanilang mga papel at bolpen. Bago pa sila lumabas sa telebisyon o mapakinig sa radyo, nagsasanay muna sila upang malaman ang tunay na kahulugan ng jornalismo. Noong 1830, isang napakalaking kamalayan sa pagiimprinta na humantong sa pagkatuklas ng isang mabilis na limbagan. Hindi pa nagwakas ang kapanahunan ng pagtuklas ng tao, makaraan ang isang daang taon, nakatuklas muli sila ng isang limbagan na tinatawag na rotary press. Hanggang sa ngayon, inaangkop na ang panlilimbag sa makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter. Nararating nila ang pedestal sa lipunang ito ng dahil sa bolpen at papel. Alalahanin mo ang iyong sinumulan, magsanay ka, magsimula ka, gamitin ang tinta.

Pindot, kuha
           
Ang potograpiya ay isa ring espada ng mga mamahayag gamit upang labanan ang mapamuksang korapsyon at panloloko. Ito ang pinakamabisang ebidensya sa lahat ng krimen, sapagkat, huli ka na sa akto. Ang isang litrato ay katumbas ng libong mga salita. Isang litrato, maaaring makapatay, maaaring makabuhay. Ngunit ang pagbabagong dala ng modernisasyon ay nakapagbigay laya na sa tao upang manipulahin ang mga sagradong bagay ng isang mamamahayag. Sa ilang sandali lamang ay kayang kaya mong pugutin, bigyan ng mga sugat, o kaya ay hubadan ang tao gamit ang kompyuter. Kaya mga mamamahayag, mag-ingat kayo. Sa kapangyarihan pinagkaloob ng sambayan, huwag sanang gamitin ito sa pansariling kagustuhan. Isang litrato, isang ibig sabihin, madaming maaaring mangyari. Maging malaya kayong ipahatid ang tama at mali, sige pumindot, at kumuha.

Sabihin mo, isigaw mo

            Hindi sapat ang basta na lamag ipalimbag ay iyong pahayagan. Paano na lamang kung mayroong mga taong nababagot sa pagbabasa ngunit gusto pa rin nilang makakuha ng totoong mga balita? Salamat kay Paul Gottlieb Nipkow na nakaimbento ng pinakaunang telebisyon na gumagamit ng isang scanning disk. Lumawak ang konsepto nito at unti-unti ay naging perpekto na nagaaliw at nagbibigay impormasyon na sa mga tao. Ginamit na ang pagkakataong ito ng mga mamamahayag sa pamamalita upang mas madaling maintindian ng mga tao ang kamalayan ng bansa. Huwag kang matakot, iyan ang trabaho mo, katotohanan para sa bayan. Maging matapang ka, sabihin mo, isigaw mo.

   Hindi man mga propesyonal, ngunit mga mamamahayag pa din. Ang mga estudyante ay may malaking responsibilidad din katulad ng isang batikang mamamahayag. Hindi man kasing laki, ngunit malaki na upang ipahayag ang katotohanan at kalayaan. Salubungin mo ang anod ng korapsyon, labanan mo ang tukso at panliligalig. Isa kang mamamahayag, kaya mo yan!



Mga Pinagkuhanan:


Mga Litrato:



No comments:

Post a Comment